PHNOM PENH, Cambodia (AP) – Isang hindi lisensyadong doktor ang nanghawa ng HIV sa mahigit 100 residente sa isang pamayanan sa hilagang kanluran ng Cambodia, sa pag-uulit ng ginagamit na karayom, ang nilitis noong Martes sa tatlong kaso kabilang na ang murder.

Si Yem Chhrin ay nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala ng murder, sa sadyang pagpapakalat ng HIV — ang virus na nagdudulot ng AIDS — at panggagamot nang walang lisensiya sa bayan ng Battambang.

Inaresto si Yem Chhrin noong Disyembre at isinailalim sa kustodya sa takot na babalikan siya ng mga taong kanyang nahawaan sa Roka village, kung saan 106 sa 800 sinuring mamamayan ang napatunayang nahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV). Ang mga nahawaan ay nagkakaedad ng 3 hanggang 82, at kinabibilangan ng mga mongheng Buddhist. Sampu sa mga biktima ang iniulat na namatay.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture