AYON sa aming very reliable source, tatapusin muna ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang ikatlo’t huling termino sa lungsod bago tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Isa kami sa mga unang nagsulat na kakandidato for senator si Bistek, ayon na rin sa staff ni Vice Mayor Joy Belmonte na kakandidato naman sana para mayor.

Marahil ay nagkaroon ulit ng pag-uusap, kaya pareho nang for re-election si Herbert at si Vice Mayor Joy.

Nasagap din namin ang tsika na kakandidato for councilor sa ikaanim na distrito ng Quezon City ang ina ng mga anak ni Bistek na si Ms. Tates Gana at sa pagkakataong ito ay hindi na raw ito magpapapigil.

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Nagplano na rin daw kumandidato para konsehal noong 2010 si Tates pero pinigilan ni Herbert.

Anyway, ano kaya ang partido si Tates, under Liberal Party din kaya tulad ni Bistek?

Samantala, gusto naming tawagan ng pansin si Mayor Bistek dahil ang ginawang kalsada rito sa may 1st Camarilla Street, Barangay San Roque, Quezon City ay hindi maayos ang pagkakagawa at sira pa rin sa mga gilid kung ikukumpara sa ginagawang kalsada sa 2nd Camarilla Street.

Inumpisahang gawin ang nasabing kalye noong Mayo 17, 2015 at dahil lumampas na sa takdang petsa na Hulyo 17, 2015 ay minadali kaya hindi pulido. Samantalang ang 2nd at 3rd Camarilla street ay maayos at sementado maski hindi pa tapos.

Sana pansinin ito ni Bistek bago mag-2016 election. (Reggee Bonoan)