Donita-Rose (1)

SA press launch ng Let The Love Begin ibinahagi ni Donita Rose na nagkakalabuan sila ng kanyang husband na si Eric Villarama at posible itong mauwi sa hiwalayan.

Aminado si Donita na mayroon silang pinagdaanan ni Eric sa kanilang buhay may-asawa pero naniniwala pa rin siya na maaayos din ang lahat in due time.

Ngayong patapos na ang seryeng Let The Love Begin, may update si Donita sa sitwasyon ng pagsasama nilang mag-asawa, at magandang balita dahil may communications na ulit silang dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kahit sabihin mong kasalanan niya, kasalanan ko, it doesn’t matter.

We both need to humble ourselves. And so, now we talk a few times a day sa FaceTime. And we’re planning to finally, for once and for all, get back together, living in the same country na hindi puwede paganun-ganun.”

Naka-base sa San Francisco, California si Eric at balak ni Donita na magpunta roon kasama ang kanilang anak.

Posible ring  si Eric ang umuwi sa Pilipinas, kung ano ang kanilang mapagkakasunduan para tuluyan nang maisaayos ang  kanilang problema.

Kuwento pa ni Donita, bago pa ang balak nilang paghihiwalay ni Eric, dumating sila sa puntong pipirmahan na sana nila ang kanilang divorce papers.

“We were on the brink of signing divorce papers already. Yeah, gano’n na kami sa isa’t isa.

Lagi kaming nag-aaway and lagi kaming nagkakaroon ng miscommunication, especially with the distance between us.

So, minsan mas madaling bagsakan siya ng phone. So, na-build-up na ‘yung galit namin sa isa’t isa. Hanggang sa I realized or we both realized that we’ve almost lost each other, and what for?”

Mutual decision nila ni Eric na i-save ang kanilang marriage.

Dahil may isa silang anak, kaya napagkasunduan nilang magsama uli?

“That should never be the reason. In love naman ako sa kanya, and in love siya sa akin.

Willing naman kami patawarin ang isa’t isa, but we’re taking it one step at a time.

I don’t want to say na parang everything is 100 percent a bed of roses, na in every marriage, there’s going to be trials.

Pero sa ngayon, and siguro for the past… since April until now, almost three months, we’ve been very happy,” masayang pahayag ni Donita.(Ador Saluta)