Iginiit ni Senator Sonny Angara ang agarang pagtatag sa Philippine Amateur Sports Training Center (PASTC) upang mabigyan ng maayos na pagsasanay ang pambansang atleta.

Aniya, sa ngayon ay kailangan ang moderno, makabagong teknolihiya at kaaya-ayang sports complex ang mga atleta upang mapaigting pa ang kanilang mga nilalahukang palakasan.

Sinabi ni Angara na kung ang mga atleta ay kinukumbinsi mapalakas ang kanilang kampanya sa mga sinasalihang kumpetisyon sa iba’t ibang bansa upang makamit ang tagumpay, dapat ding pagsikapan ng pamahalaan na mabigyan sila ng angkop na suporta.

“Subukan nating paglaanan sila ng mga makabagong kagamitan sa pagsasanay. Makikita natin na mas magiging focused sila at tiyak, aangat ang laban nila sa international Olympics at iba pang kumpetisyon,” ayon sa senador.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aminado si Angara na matagal nang napapabayaan ng gobyerno ang sports development sa bansa dahil na rin sa kakapusan ng pondo.

Tinukoy nito ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) na itinayo may 86 taon na ang nakalilipas, gayundin ang PhilSports Arena na may 40 taon na sa ngayon.

Sinabi ni Angara na lubhang mga luma na ang mga pasilidad at hindi na epektibo, hindi ligtas at hindi maayos na training center para sa mga atleta.

Ani Angara na napakaliit ng pondong nakukuha ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa gobyerno at sa PAGCOR na nagkakahalaga lamang ng P750-M taun-taon kumpara sa bilyun-bilyong budget na nakukuha ng mga karatig bansa sa Asya para sa kanilang sports development.

Kung sakaling maitatag ang PASTC, mas magiging panatag at nakatuon sa matinding pag-eensayo ang may 800 pambansang atleta at 300 coaches.

Posibleng rin umanong makipagsabayan ang mga atleta sa uri ng kanilang pagsasanay sa iba’t ibang bansa.

“Dala nila ang sulo na sumasagisag sa bansang Pilipinas tuwing sila ay nakikibaka sa palakasan. Kaya’t nararapat lamang na bigyan sila ng kaukulang suporta lalo na sa kanilang maayos na pagsasanay. Karangalan ng bansa ang nakataya sa kumpetisyon kaya’t gawan natin ng paraan upang mas maging masigasig sila sa pag-eensayo,” ayon pa kay Angara.