JERUSALEM (AP)— Napatunayang nagkasala si dating Israeli Prime Minister Ehud Olmert sa kasong fraud at breach of trust sa muling paglilitis sa corruption charges.

Ibinaba ang desisyon noong Lunes sa Jerusalem District Court.

Si Olmert ay pinawalang-sala noong 2012 sa mga akusasyong tumanggap siya ng mga envelope na may lamang salapi mula sa isang American supporter. Ngunit kalaunan at tumestigo ang longtime confidant ni Olmert, at nagbigay ng tape recordings ng mga pag-uusap kasama si Olmert tungkol sa pagtanggap ng mga cash, na nagbigay-daan sa muling paglilitis ng kaso.

2 eroplano, nakaranas ng mga aberya sa Siargao Airport