BERLIN/PARIS (Reuters) – Nagmadali ang mga airlines noong Huwebes na baguhin ang kanilang mga patakaran upang obligahin ang ikalawang crew member sa loob ng cockpit sa lahat ng oras, ilang oras matapos sabihin ng French prosecutors na ikinandado ng isang co-pilot ang kanyang sarili sa controls ng isang jetliner na sinadya niyang ibulusok.

Inoobliga na ng United States ang dalawang crew members sa cabin sa lahat ng oras, ngunit marami pang mga bansa ang hindi ito ginagawa, pinahihintulutan ang mga piloto na iwanan ang flight deck, halimbawa para pumunta sa toilet, basta nasa control ang isa pang piloto.

Ito mismo ang pinaghihinalaan ng French prosecutors na nangyari sa Germanwings flight noong Martes. Sinabi nila na ikinandado ni Andreas Lubitz, 27, ang captain sa labas at sinolo ang control sa cockpit upang ibagsak ang eroplano sa kabundukan na ikinamatay ng lahat ng 150 kataong sakay nito.

Makalipas ang ilang oras, inanunsiyo ng airlines kabilang na ang Norwegian Air Shuttle , Britain’s easyJet , Air Canada , Air New Zealand at Air Berlin na ipinatupad na nila ang requirement na dalawang crew members ang dapat na nasa cockpit sa lahat ng oras.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang insidente ay tiyak na lalong magpapainit sa debate tungkol sa kinabukasan ng cockpit protections. Simula ng Sept. 11 attacks sa United States, inobliga ng regulators na ang cockpit doors ay magiging impenetrable kapag ikinandado mula sa loob.

Ngunit ang idea na ang mga mismong piloto ay mapanganib ang lumikha ng rason para muling repasuhin ang mga polisiyang ito, sinabi ni retired French crash investigator Alain Bouillard.

“Today we have the reverse question: should we be blocking doors?” aniya.

Ang paglaho noong nakaraang taon ng Malaysia Airlines 370 ay nagtaas ng mga ganitong katanungan, gayunman, hindi nakumpirma kung may kinalaman ang mga piloto sa paglaho ng eroplano.