SANAA, Yemen (AP) — “Technical fault” ang itinuturong dahilan ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa pagpilit sa dalawa nitong piloto sa isang F-15 na tumalon sa karagatan sa katimugang bahagi ng Yemen habang isinasagawa ang isang misyon.

Iniulat naman ng Saudi Press Agency na ang mga piloto ay nasa “good health”.

Sinabi ng isang opisyal ng U.S. Defense Department sa Associated Press na isang American helicopter ang lumipad noong Huwebes mula sa Djibouti patungong Gulf of Aden at sinagip ang mga airman.

Nakipagtulungan umano ang USS Sterett sa U.S. naval base sa Djibouti.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3