KEY BISCAYNE, Fla. (AP)- Handa na ang precocious amateur na si CiCi Bellis na harapin ang pinakamahusay na propesyunal, si Serena Williams.
Umabante kahapon si Bellis, ang 15-anyos American na gumawa ng pangalan sa nakaraang taong U.S. Open, para sa potential third-round match kontra kay Williams makaraang biguin si Zarina Diyas, 6-2, 6-1.
Itinigil ang kahapon ang second-round match ni Williams laban kay Monica Niculescu sanhi ng pagbuhos ng ulan. Hahataw ang laro ngayon.
Subalit sadyang nakahanda na si Bellis na magkaroon ng tsansa na makatagpo ang 19-time Grand Slam champion.
‘’It’s going to be really fun,’’ pahayag ni Bellis. ‘’I have nothing to lose, so I’m just going to play my game and see what happens.’’
Napagwagian ni Sloane Stephens ang all-American match sa stadium court, ikinasa ang lima sa anim na break-point chances upang talunin si No. 17 Madison Keys, 6-4, 6-2. Ito ang unang pagkakataon na nagkaharap ang dalawang Fed Cup teammates. Napahuha rito si Keys matapos ang pagkatalo.
‘’I just kind of let the emotions get to me,’’ ayon sa 20-anyos na si Keys. ‘’It’s like you’re having a really terrible day, but my terrible day is in front of hundreds of people and then broadcast on TV. That’s not always fun.’’
Pinataob ni No. 2-seeded Rafael Nadal, ‘di kinakitaan ng anumang epekto sa kanyang ankle injury na natamo niya sa practice noong Martes, si fellow Spaniard Nicolas Almagro, 6-4, 6-2.
‘’I am well,’’ pagmamalaki ni Nadal. ‘’The day after, I had pain, but after two days I improved 50 percent. It’s not limiting my movements.’’
Ang iba pang umabante sa women’s draw ay kinabilangan ni No. 3 Simona Halep, ang titlist sa nakaraang linggong Indian Wells. Napasakamay niya ang 6-4, 2-6, 6-1 panalo laban kay wild card Nicole Vaidisova, ang two-time Grand Slam semifinalist na nagbalik sa torneo matapos ang dalawang shoulder operations.
Tinalo ni two-time champion Andy Murray si American Donald Young, 6-4, 6-2. Ang iba pang nagtagumpay sa men’s match ay sina No. 7 Stan Wawrinka, No. 8 Tomas Berdych at No. 25 Bernard Tomic. Nagtala si American Sam Querrey ng 19 aces ngunit nabigo pa rin kay No. 15 Kevin Anderson, 6-7 (5), 7-6 (3), 6-4.