SAN MANUEL, Tarlac— Nasakripisyo ang buhay ng isang batang lalaki nang tangkain nitong payapain ang kanyang alagang baka na tumakbo sa gitna ng kalsada nang masagasaan siya ng paparating na sasakyan sa barangay road ng San Vicente, San Manuel, Tarlac, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PO3 Gerald DC Prado, traffic investigator, ang biktima na si Reynante Dela Cruz, 11, ng Barangay Lanat, San Manuel, Tarlac na nagtamo ng grabeng sugat sa katawan.

Ang driver na nakabundol sa biktima ay si Rolando Tigno, alyas Allan, 48, may-asawa, ng Barangay San Manuel, Tarlac na nabigong ipakita sa mga imbestigador ang kanyang driver’s license at rehistrasyon ng minamanehong Ford Fierra.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima habang hila ang alagang baka sa gilid ng kalsada nang bigla na lamang gumarutay ang hayop.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinikap na payapain ni Dela Cruz ang alagang baka subalit napagawi ito sa gitna ng kalsada at nasagasaan ang binatilyo ng paparating na behikulo.