Pinagpapaliwanag ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang mga national team member nito na sina marathoner Mary Grace Tabal at Rafael Poliquit kung bakit hindi sila dapat na alisin sa pambansang koponan habang isasailalim din nito ang long jumper na si Henry Dagmil sa jump-off para sa paglahok nito sa 28th Southeast Asian Games sa darating na Hunyo 5 hanggang 16.

Sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico at secretary general Renato Unso na hiningan nila mismo ng paliwanag sina Tabal at Poliquit hinggil sa isinagawa nitong pagsuway sa kautusan ng national coaches na huwag tumakbo sa isang torneo sa labas ng bansa at upang hindi maalis sa pambansang koponan.

“We told Tabal and Poliquit for an immediate explanation and ask them to explain why they should not be dropped from the national team,” sabi ni Juico. “They still run when they were told not to run by their coaches. We want to give them due process dahil insubordination ang kanilang ginawa,” paliwanag ni Juico.

Napag-alaman ni Juico mula sa coaches na nagpasabi ang dalawang marathoner na pinuwersa sila ng sponsor sa karera na kanilang napanalunan upang tumakbo kahit na sinabi nila na nakataya ang kanilang kalusugan at pagiging miyembro sa pambansang koponan.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“We asked them (Tabal at Poliqut) why they should not be dropped from the SEA list,” paliwanag naman ni Unso, na itinalaga muli bilang PATAFA Secretary General.

“Ipinaliwanag namin sa kanila na hindi makakatulong ang pagtakbo nila sa Los Angeles Marathon dahil masyadong dikit sa panahon sa SEA Games at magkakaroon sila ng micro-team na mahigit dalawang buwan ipapahinga. We even told them to run a relax marathon but hindi nila ginawa,” sabi ni Unso.

Aniya, napilitan na tumakbo sa maximum performance sina Tabal at Poliquit base sa utos ng kasamang opisyal at sponsor na lubhang mas makakaapekto sa susunod na kampanya ng dalawang marathoner.

“Hindi basta-basta ang tumakbo ng 42.195 kilometer,” sabi ni Unso. “Iyong tinakbo ni Tabal na 2:51:00 para sa 27th place ay mabilis pa rin sa kanyang time. Our concern here now is ganyan pa rin kaya ang kanyang itatakbo sa SEA Games considering na next month na halos ang karera,” paliwanag ni Unso.

Samantala, isasagawa ng PATAFA ang isang matira-matibay na jump-off kung sino ang ookupa sa huling silya sa pambansang delegasyon sa long jump sa pagitan ng national team member na si Henry Dagmit at ang dalawang nagpakitang gilas sa ginanap na 2015 PHI Athletics Open na sina Julian Fuentes at Beningo Marayag.

“Actually, apat silang naka-hit sa SEA Games gold standard na si Fil-Am Donovant Arriola (7.59m), Fuentes (7.55m) at Marayag (7.43m). Henry (Dagmil) is our national mainstay and he held a record jump to 7.80m but he is injured. The doctors say he has gout near this lower butt muscle.”

“So upon consultation with the coaches, the unanimous vote was for Donovant Arriola to be sent to SEA Games and then held a jump-off for Dagmil, Fuentes and Marayag. Dagmil was advised not to have competition until mid-April but in the month of May na makakatalon pero deadline na ng SEA Games. So nagdecide ang mga coaches na ipag-performance jump kasama ang dalawa pang nakapasa sa isang jump-off ,” sabi ni Unso.

Ipinaliwanag ni Unso na anuman ang mangyari sa jumpoff, ipapadala na rin nito sina Fuentes at Marayag para lumahok sa 3A’s na gaganapin pagkatapos ng Singapore SEA Games.

Idinagdag ni Unso na tapos na ang entry by names noong Marso 15 kung saan ay 34 lahat ang ipapadada nitong miyembro ng track and field team.

“But we are going to ask for at least 4 more slots dahil sa resulta sa nakaraang PHI Open,” sabi ni Unso.