Pinayuhan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong graduate na huwag maging pihikan sa paghahanap ng trabaho.

Ang pahayag ni Fr. Jerome R. Secillano, executive secretary ng CBCP- Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), ay kasabay nang pagtatapos ng mga mag-aaral sa kolehiyo ngayong taon.

Paalala pa ng pari sa mga 2015 graduate, kahit na mababa muna ang makuha nilang trabaho ay hindi importante dahil ang mahalaga ay magkaroon sila ng hanapbuhay lalo sa panahon ngayon.

Iginiit pa ng pari na tiyak namang darating ang panahon na makakamit din nila ang tamang trabaho na akma para sa kanilang kakayahan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Don’t be choosy. Oftentimes, the job we wish to get is not easily available. Start from something so that at least you have a job. You will then notice that everything starts to fall into place until you get what you truly deserve. Remember: good things start from small beginnings,” inihayag ni Secillanosa sa website ng CBCP.

Pinaalalahanan rin niya ang mga ito na ang graduation ay hindi pagtatapos at sa halip ay simula pa lamang ng panibagong yugto ng kanilang buhay.

Dapat rin aniyang maging matiyaga at determinado ang mga graduate sa paghahanap ng trabaho.

“Have more patience. Your aggressiveness to embark [on] and start your professional life will come in handy. But you will discover that landing a job may even be more difficult than passing your course. Be patient, don’t lose hope and just continue searching until the right and the best one comes along,” aniya pa.

Hindi rin aniya dapat na mapagod ang mga bagong graduate sakaling hindi kaagad na makahanap ng trabaho.