Magtutungo si Senate President Franklin Drilon bilang kinatawan ni Pangulong Benigno S. Aquino III at ng buong bansa sa burol ni Lee Kuan Yew, ang unang punong ministro ng Singapore na pumanaw noong Lunes sa edad na 91.

“The President has asked me to represent him and the Filipino people as we join the nation of Singapore in this time of grieving for the loss of a great Asian leader, former Singaporean Prime Minister Lee Kuan Yew,” ayon kay Drilon.

Aniya, ang state funeral ay gaganapin sa Marso 29, sa Singapore University Cultural Center.

Kasama ni Drilon sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Finance Secretary Cesar V. Purisima.

National

‘Nika’ lumakas pa, itinaas na sa ‘severe tropical storm’

Aniya, apektado ang sambayanan sa pagpanaw ni Lee lalo pa’t marami rin itong naitulong sa Pilipinas at nagsilbi ring inspirasyon sa buong mundo.

Kinilala si Lee sa pagbibigay ng katatagan sa ekonomiya ng dating hikahos na Singapore nang pamunuan niya ito sa loob ng 31 taon, mula 1969 hanggang 1990.