Tinatawagan ang kabataan na aktibong makilahok sa Araw Balagtas 2015, sa pagdiriwang ng ika-227 kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 2, sa temang “Si Balagtas at ang Kabataan”.

Sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), idaraos ang Kampo Balagtas sa Marso 30-31, 2015 para sa kabataan sa Region III at delegasyon mula sa Indigenous People (P) sa Orion Elementary School, Orion, Bataan.

Isasagawa sa Kampo Balagtas ang mga pangkulturang pagtatanghal na magpapakita ng buhay at pamana ni Balagtas sa pamamagitan ng interaktibong panayam at palaro.

Kikilalanin ang mga nagwagi sa Talaang Ginto: Makata ng Taon 2015 at ang tatanggap ng Gawad Dangal ni Balagtas 2015 sa unang araw ng Kampo. Pasisinayaan din ang Hardin ni Balagtas sa Barangay Wawa, Orion, Bataan sa Marso 30. Tampok sa Hardin ang rebulto ni Balagtas na likha ng bantog na iskultor na si Julie Lluch.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag kay John Enrico Toralba ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa (02) 736-2519 o bumisita sa kwf.gov.ph.