HUMIWALAY muna ang isa sa mga miyembro ng One Direction na si Zayn Malik sa mga tour na pinupuntahan ng banda.

Muling bumalik si Malik sa United Kingdom upang makapagpahinga at dahil dito, ang bandang kinabibilangan ay magtatanghal sa iba’t ibang lugar na hindi siya kasama.

“Zayn has been signed off with stress and is flying back to the U.K. to recuperate,” ayon sa tagapagsalitang banda sa Billboard. “The band wish him well and will continue with their performances in Manila and Jakarta.” 

Kumalat ang nasabing balita nang ilathala sa mga tabloid ang ilang litrato ni Malik kasama ang isang babae na hindi umano niya fiancee.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa iniulat ng Mirror sa U.K., umaasa si Malik na muli siyang makakabalik sa banda upang magtanghal sa South Africa sa Marso 28; sa kasalukuyan, wala pang naglalabas ng pahayag mula sa kanyang mga kabanda.

Samantala, nagsimula nang magtanghal ang One Direction sa Mall of Asia, kagabi. Matatandaang hinihingan ng P400,000 cash ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tagapamahala ng banda.

Ayon sa DZMM, sinisingil ng P200,000 cash bond para kay Malik at Tomlinson, at P20,000 each para sa kanilang express lane fee. At kung sakaling hindi ito magbabayad, hindi magkakaloob ang tanggapan ng Special Work Permit.

Ito ay may kaugnayan sa petisyon ng anti-drugs group na Laban ng Pamilyang Pilipino na may kinalaman sa paggamit ng marijuana nina Zayn Malik at Louis Tomlinson. Yahoo News/Celebrity