TUNIS (Reuters)— Nilusob ng armadong kalalakihan na naka-uniporme ng militar ang national museum ng Tunisia noong Miyerkules, pinatay ang 17 banyagang turista at dalawang Tunisian sa isa sa pinakamadugong atake ng mga militante sa bansa.

Sinabi ni Prime Minister Habib Essid na kabilang sa mga namatay sa tanghaling pag-atake ang limang Italian, isang French, isang Pole, dalawang Colombian, limang Japanese, isang Australian at dalawang Spaniards. Dalawang Tunisian din ang namatay.

Ang Bardo museum sa loob ng guwardiyadong parliament compound sa central Tunis ay kilala sa kanyang koleksiyon ng ancient Tunisian artifacts at mosaics at iba pang kayamanan mula sa classical Rome at Greece.

Nagtakbuhan ang mga bisita papasok ng museum at ginawa silang hostage ng mga militante sa loob. Pumasok ng security forces makalipas ang dalawang oras at napatay ang dalawang militante at napalaya ang mga bihag. Isang opisyal ng pulisya ang namatay sa operasyon.
National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA