RIO DE JANEIRO (Reuters) – Aabot sa 51 katao ang namatay noong Sabado nang mawalan ng preno at mahulog sa bangin ang pampasaherong bus na sinasakyan nila sa katimugang bahagi ng Santa Catarina sa Brazil, ayon sa pulisya.

Bumibiyahe mula sa estado ng Parana, nalihis ng direksiyon ang bus sa pakurbang kalsada at nahulog sa dosedosenang metro ang lalim na bangin bago tuluyang bumagsak sa kakahuyan. Patuloy pa rin ang pagsagip ng mga rescuer sa mga biktima.

Sa inisyal na ulat ay nasa 32 katao ang kumpirmadong nasawi, ngunit kalaunan ay sinabi ng recovery crew na may 19 na iba pa ang namatay. Hindi alam ng mga pulis ang eksaktong bilang ng sakay ng bus.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'