Kailan Ba Tama Ang Mali stars  during the Panagbenga Festival of Baguio City

SAMPUNG jampacked na events ang matagumpay na isinagawa ng GMA Regional TV sa key cities ng bansa nitong nakaraang buwan tampok ang naglalakihang Kapuso stars.

Itinodo na ng GMA ang pamamahagi ng fiesta spirit sa mga Kapuso across the country sa pamamagitan ng mga fans day, mall show, meet and greet, at festival participation.

Unang nagpasaya si Marian Rivera sa first two editions ng kanyang Kapuso Fans Day ngayong taon sa General Santos City at Carcar City sa Cebu noong Pebrero 6 at 17.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Proud na ipinost ni Marian sa Instagram ang kanyang selfie shots kasama ang libu-libong supporters na pumunta sa shows. Tinatayang 4,000 katao ang nakisaya sa kanya sa GenSan at 7,000 naman sa Carcar.

Inamin ni Marian na malaki ang naitutulong ng pagtu-tour niya sa para manatili ang magandang relationship niya sa kanyang mga tagahanga.

“Dito pumapasok ‘yung importance ng paglalaan mo ng oras para sa supporters mo,” pahayag ng newly-wed na aktres. “Ako kasi, I recognize the fact na sila ‘yung one of my many inspirations sa career ko bilang artista kaya I am really exerting extra effort to go out of my way to meet them and bond with them para ma-maintain ‘yung relationshipnamin sa isa’t isa. Kung wala sila na nagsu-support at nagmamahal sa akin, wala ako kung nasaan man ako ngayon.”

Pagkatapos ng Valentine’s Day, two simultaneous events naman agad ang ginanap sa Bulacan at Albay. Tampok ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose at Healing Hearts cast member na si Kristoffer Martin sa Kapuso Mall Show sa Robinsons Supermarket Meycauayan, habang nakisaya naman ang Sunday All Stars mainstays na sina Louise delos Reyes, Jeric Gonzales, at Ruru Madrid sa Cagsawa Festival ng Daraga via a Kapuso Fiesta noong Pebrero 15.

Nabigyan din ng post-Valentine treat ang mga Negrense sa pagdalo ng lead cast ng More Than Words sa Babaylan Festival ng Negros Oriental noong Pebrero 18. Ang reel at real-life sweethearts na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, kasama ang co-stars na sina Enzo Pineda at Kylie Padilla, ang bonggang naghatid ng entertainment sa mga manonood. Isang Kapuso Mall Show naman ang muling pinagsamahan nina Enzo at Kylie sa San Fernando, La Union noong Pebrero 28.

Nag-umapaw din ang tawanan at kasiyahan sa Dapil Festival ng Abra noong Pebrero 19 sa pagdalo nina Sef Cadayona ng Sabado-badoo at Mike “Pekto” Nacua ng Once Upon A Kiss. Bentang-benta ang pagpapakuwela nila na sinamahan pa ng Asia’s Songbird impersonator na si Ate Redg bilang host.

Kasabay naman ng pagdiriwang ng Bacolaodiat Festival sa Bacolod noong Pebrero 20, ‘di maitagong saya ang ipinakita ng libu-libong Kapuso fans sa pagdating ng cast ng Second Chances na sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Rafael Rosell, at Camille Prats para sa isang meet and greet. Inabangan din kinabukasan sina Geoff Eigenmann, Empress Schuck, at Dion Ignacio ng Kailan Ba Tama Ang Mali.

Samantala, sa summer capital ng bansa, nakipista sa Panagbenga Festival noong Pebrero 28 sina Geoff, Empress, Dion, at ang co-star nilang si Max Collins, kasama pa ang The Half Sisters cast members na sina Barbie Forteza, Andre Paras, at Thea Tolentino. Nangibabaw sa malamig na klima ng Baguio ang napakainit na pagtanggap ng locals at tourists sa Kapuso artists.

Nagsilbing culmination para sa paglilibot na ito ng GMA Regional TV ang Musikahan sa Tagum Festival ng Davao del Norte noong Pebrero 28 na tinampukan ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes, ang kanyang first-ever Kapuso Fans Day ngayong 2015. Tuwang-tuwa ang umaabot sa 5,000 Dabawenyos sa pagbisita ng Pari Koy lead actor na hindi nagpahuli sa kantahan sa Gaisano Mall. Present din sa nasabing okasyon sina Gabby Eigenmann ng InstaDad at former Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan sa Freedom Park.

“Up to now, I am still overwhelmed with the sight of my regional fans coming in droves at my mall show to personally see me,” pahayag ni Dingdong. “The crowd in Tagum was very appreciative and it felt really nice that I was able to put up a good show for them,” dagdag niya.

Para sa karagdagang updates tungkol sa iba pang regional events ng Network, sundan lamang ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram sa pamamagitan ng @GMARegionalTV.