Ihahalintulad ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa de-kalidad at mistulang Olympics ang 2015 Philippine National Open-Invitational Athletics Championships sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Ito ang sinabi ni Edward Kho, PATAFA Media and Marketing Chief, na nararapat na maranasan ng mahigit sa 1,500 lokal na atleta at dadayong 150 international at Class A tracksters sa pagsasagawa ng organisado at siyentipikong mga laro na tulad sa SEAG, Asian Games at Olympics.

“We will be having large screens where all the actions and the performances of the athletes will be shown as they compete. Katulad ito sa Asian Games at Olympics na napapanood mismo sila habang ginagampanan ang kanilang attempt,” sinabi ni Kho.

"We will also have cameras in the finish line para maiwasan ang mga protest at kitang-kita natin mismo ang mga photo finish," pahayag pa ni Kho.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage

Paglalabanan sa torneo ang kabuuang 73 gintong medalya kung saan ay agad na pag-aagawan ang 17 ginto sa Day 1, ang unang nakataya ay ang women’s 10,000m run.

Paglalabanan naman ang 20 gintong medalya sa ikalawang araw habang may 18 sa ikatlo, ikaapat at huling araw ng torneo.

Nakalaan din ang anim na espesyal na karangalan sa apat na araw na torneo na dadaluhan ng 150 internasyonal at Class A na mga atleta mula sa nakumpirmang sasaling 12 bansa. Ang espesyal na award ay Most Valuable Player, most number of gold won, fastest men at women, Man of Steel, Iron Maiden at Powerhouse Team.

Isasagawa rin sa unang pagkakataon sa nagbabalik na torneo na nawala sa nakalipas na limang taon ang kategorya para sa Masters o dating pambansang atleta na aktibo at patuloy pa rin sa pagsasanay. Aarangkada ang mga event na 100m, 400m, long jump, high jump, triple jump at ang 1,500m run.