Dream Dad cast

EXTENDED ang seryeng Dream Dad nina Zanjoe Marudo, Beauty Gonzales at Jana ‘Baby’ Agoncillo kasama sina Ketchup Eusebio, Katya Santos, Ariel Ureta at Ms Gloria Diaz.

Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng presscon ang main cast ng Dream Dad noong Biyernes, at para magpasalamat sa mga manonood sa kanilang pagiging No. 1 sa ratings game.

Hindi tuwing binanggit sa open forum kung hanggang kailan mai-extend ang show, pero binanggit ng head ng think-tank ng Star Creatives na si Ms. Mell del Rosario kay Bossing DMB sa tsikahan nila na two weeks lang ang extension.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ganoon pa man, ang duda namin ay aabutin pa sila ng Hunyo. Nagsimula sila noong Nobyembre 24, 2014 pero dahil consistent ang pagiging number one sa ratings game ng Dream Dad, basa sa viewership ng Kantar Media at AGB Nielsen ay napagdesisyunan daw ng management na i-extend ito.

Sabi nga ng production manager ng Dream Dad na si Ms. Ellen Criste, “We were told na mai-extend kami pero wala pang definite date kung kailan.”

Dagdag naman ni Ms. Mell del Rosario, “Kung ako ang tatanungin, ayoko nang nai-extend, gusto ko tinatapos. ‘Yung Be Careful (With My Heart) nga taun-taon, buwan-buwan gusto kong tapusin. (Dream Dad) hindi pa namin (naiisip kung hanggang kailan). ‘Tapos, di ba, ang ganda ng ratings, magpakatotoo tayo, di ba, kapag mataas ang ratings, extend nang extend, kaya bukas tiyak may memo ako, ‘sige umalis ka na,” tumatawang sabi ng TV executive.

Naikuwento rin ni Ms. Mell na marami ang nagalit nang pumasok sa eksena si Matt Evans bilang si Paul na may gusto kay Alex (Beauty) at talagang nababasa sa social media na hindi nila tanggap ang tambalang Alex at Paul, mas gusto raw nila ang BasLex (Baste at Alex). Pero nang maramdaman naman daw sa istorya na mawawala ito, nagagalit din naman.

Naiulat na namin noong isang araw na umabot sa 34.9% ang ratings nila nitong nakaraang Lunes, nang mapanood ang eksena na nagpasiyang huminto na si Paul sa panliligaw kay Alex dahil alam niyang si Baste ang gusto ng dalaga.

Halos kalahati lang ang nakuhang ratings ng katapat nilang Pari Koy ni Dingdong Dantes na 17.8%.

Hindi namin napapanood ang serye ni Dingdong, pero base na rin sa tsika sa amin mismo ng taga-GMA 7 ay, “Hindi naagaw ni Dong ang viewers ng Dream Dad, saka tingin namin parang hindi gusto ‘yung role ni Dong bilang pari.” --Reggee Bonoan