MIAMI (AP)– Kulang isang oras bago lumabas ng kanilang locker room ang Miami Heat para sa warm-ups, wala pa silang kasiguraduhan kung makapaglalaro si Chris Andersen.

Hindi lamang siya naging starter, siya rin ang nagningning para sa koponan.

Umiskor si Dwyane Wade ng 28 puntos at nagdagdag ng 9 assists, habang si Andersen, humalili sa nasuspindeng center na si Hassan Whiteside sa lineup ay tumabla sa kanyang career-high na 18 puntos at season-high na 14 rebounds patungo sa pagwalis ng Heat ngayong season sa Brooklyn Nets sa pamamagitan ng 104-98 panalo kahapon.

‘’When I know I’ve got to step up, I’ll step up,’’ saad ni Andersen, na ilang injury ang iniinda, pinakahuli ang isang leg contusion. ‘’And I’ll try to get the job done.’’

National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!

Si Andersen ay 8-of-9 sa shooting, nakatulong na maibigay ang malaking kalamangan sa Heat at tumulong din na mapanatili ang kapit dito.

‘’He gives you everything he has,’’ ani Heat coach Erik Spoelstra. ‘’That’s what it’s about right now in that locker room. Guys are fighting for each other. They’re playing with pain for each other not for themselves, but for the next guy. You love to see that.’’

Nagdagdag si Goran Dragic ng 17 puntos sa kanyang pagbabalik sa lineup ng Heat. Ang Miami ay 7-0 laban sa mga koponan na mula New York ngayong season, 4-0 laban sa Nets, 3-0 laban sa Knicks at nakabalik sa No. 8 spot sa Eastern Conference playoff race kung saan ay natulungan sila ng Sacramento nang talunin ang Charlotte.

Sina Deron Williams at Jarrett Jack ay kapwa gumawa ng 18 puntos para sa Nets. Nagtapos si Brook Lopez na may 15 puntos at 13 rebounds, 15 kay Thaddeus Young, at 12 naman ang mula kay Joe Johnson para sa Brooklyn, na natalo ng limang sunod.

‘’You keep fighting until the end,’’ sabi ni Nets coach Lionel Hollins. ‘’As long as I have breath and as long as I’m coach, I’m going to keep fighting.’’

Nakadikit ang Nets sa anim sa kalagitnaan ng ikatlong yugto, ngunit tinapos ng Miami ang quarter sa kanilang 13-4 run upang kunin ang 82-67 bentahe. Gumawa si Jack ng 16 puntos sa fourth period para sa Brooklyn, ngunit hindi na nagawang makalapit ng Nets ng mas mababa sa lima sa mga huling minuto.

“It’s definitely tough right now,’’ sambit ni Williams ‘’It’s not a good feeling. We had a chance to control our destiny and we’re throwing it away.’’