Ang pambobola sa publiko at pagtatakip sa tunay na nangyari sa pumalpak na operasyon ng pulisya sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ay paglabag sa karapatang pantao.

Ito ang iginiit ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon na inilarawan si Pangulong Benigno S. Aquino bilang pinakamahusay sa paninisi.

Sinabi ni Ridon na nagdagdag pa ang Pangulo ng panibagong pagkilala sa sarili bilang pinakapopular na sinungaling sa planeta matapos nitong ibunton sa nasibak na si SAF chief Director Getulio Napeñas ang sisi sa nangyaring engkuwentro sa Mamasapano noong Enero 25, 2015.

“If there’s a mambobola around, it’s President Aquino. He’s telling himself and us that Napeñas’ poor judgment and direction made Operation Exodus a ‘mission impossible.’ Yet at the end of the day, we have to return the question: Who greenlighted the mission? Who authorized the offensive? Napeñas cannot issue commands without delegated authority from his superiors. And Aquino, as commander-in-chief, is ultimately responsible,” giit ni Ridon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng mambabatas na ikinagulat niya ang pambabato ng sisi ng Pangulo sa isang prayer gathering sa Malacañang noong Lunes.

Aniya, ang nasabing pulong ay dapat na dinaluhan lang ng matutuwid na tao, mga hindi mandaraya, hindi sinungaling at hindi magnanakaw, pero agaw-eksena umano ang Pangulo sa nasabing prayer.

“Kung ako ang may kasalanan dito, bakit di ko aakuin lahat?,” bahagi ng talumpati ng Pangulo nitong Lunes, na hindi nalalayo—ayon kay Ridon—sa paninisi ng Presidente sa mga lokal na opisyal ng Leyte kaugnay ng napakalaking pinsalang idinulot ng bagyong ‘Yolanda’ sa lalawigan noong Nobyembre 8, 2013.

“It is Aquino—not Napeñas—who’s engaging in ‘wishful thinking.’ The President is daydreaming if he still thinks the people will believe what he’s saying. Mr. President, ilang version pa ba ng istorya ang ilalabas ninyo? You’re clearly living in multiple planes of reality,” sabi ni Ridon.