SPORTS-TOURISM ● Target ng Albay na i-host ang 2016 Palarong Pambansa at gawin itong isang matagumpay at makabuluhang sports-tourism event. Nauna nang ipinahayag ng Albay ang kagustuhan nitong i-host ang 2016 Palarong Pambasa. Nang dumalaw si Pangulong Aquino sa Albay nuong nakaraang taon, ipinangako niyang susuportahan ang hosting bid sa Palaro ng lalawigan at gawin itong igit na makabuluhan at kaakipakinabang at hindi maliimutang na sports-tourism event. Kamakailan ay inaprubahan ng Pangulo ang P700 milyong budget para sa Palaro hosting ng Albay.

Kalahati nito ay ini-release na para sa mga paghahanda at pagsasaayos ng mga pasilidad para sa naturang Palaro. Kasama na rito ang pagtatayo ng Albay Sports Complex sa bayan ng Guinobatan bilang main venue, kung saan magkakaroon ng international standard oval track at malaking grandstand para sa libu-libong manunood. Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang pamahalaang panlalawigan nila ay magtatalaga rin ng P150 million bilang karagdagan budget sa inaprubahan ng Pangulo.

***

TEAM BICOL UMANGAT ● Ang record ng Albay sa Palarong Pambansa sa nakaraang ilang taon ay naging dahilan para patuloy na umakyat ang antas ng Bicol regional team sa naturang palakasan. Mula sa pang-12 noong 2013 sa Dumaguete, naging pang-siyam na ang Bicol sa nakaraang taon sa Laguna kung saan lima sa siyam na gintong medalyang inani ng Bicol ay pinanalunan ng Albay team. Naniniwala sila, dagdag ni Salceda, na maganda na naman ang magiging performance ng Albay sa Palaro ngayong taon na gaganapin sa Mayo 3-9 sa Tagum City.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

***

PARA SA LAHAT ● Bilang nangungunang lalawigan sa turismo, babandila ang Albay sa Marso 10-13, 2015 Marche International Proffesionels d’Immobilier sa Palais de Festivals sa Cannes, France. Naging tampok din ang lalawigan sa malaking pambansa at international tourism marketing fairs kasama na ang Berlin ITB 2012, London WTM 2013, at iba pa. Ipinaliwanag ni Salceda na binibigyan nila ng pagpapahalaga ang Palarong Pambansa bilang sporting and tourism event. “Ang tagubilin ko sa Team Albay, ang Palarong Pambansa 2016 technical working group, ay balangkasin ang “multi-venue layout” ng Palaro para nga magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga kasali at dadalo dito na maranasan din ang mga magagandang tourism site ng Albay habang sila ay lumalaban sa kumpetisyon,” dagdag niya.