Ililibre ng Light Rail Transit (LRT) ang biyahe ng mga buntis sa Linggo, Marso 8.

Inihayag ng LRT Administration na ang “Libreng Sakay kay Juana” ay bilang pakikiisa sa Women’s Day.

Sa abiso, libre ang sakay ng mga buntis mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa LRT Lines 1 at 2.

Samantala, magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Marikina ng libreng breast cancer screening o Operation Kapa/Ating Dibdibin program at cervical cancer screening ngayong Sabado, Marso 7, habang sa Lunes naman ang Buntis Congress/Ms. Buntis na bibigyang kaalaman ang kahalagahan ng pre-natal at regular check-up ng mga nagdadalang-tao.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20