GINULAT ni Jillian Ward ang mga reporter na dumalo sa presscon ng Pari Koy  dahil at 10 years old, dalagita na ang child star. Pumayat din siya, matangkad for her age at prim and proper nang kilos sa presscon, kaya “Little Miss” ang itinawag sa kanya ng mga reporter.

Naalala namin nang first time namin siyang ma-interview, hindi pa marunong magsulat at malikot na parang kiti-kiti, pero ngayon, behave na raw siya. Kaya raw siya behave dahil nang mapanood ang past videos niya, nakita niyang sobra ang likot niya, ngayon, gusto na niyang magbago.

May astigmatism si Jillian, 300 at 250 ang grado ng mga mata at dahil walang suot na salamin sa presscon, hirap siyang maglakad. Grade four na ang bagets na sabi, puwede ring sumali sa beauty pageant balang araw.

Anyway, masaya si Jillian na may bago siyang show at nasa telebabad block pa ng GMA-7. Gumaganap siyang anak nina Sunshine Dizon at Carlo Gonzales sa Pari Koy. Siya si Sarah at natutuwa dahil marami siyang drama scenes sa series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. --Nitz Miralles
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists