CABANATUAN CITY - Ipinahayag ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) na sa Marso 18 bubuksan ang unang bahagi ng bagong gawang North Luzon Expressway (NLEX)-North harbor link na magbibigay-daan upang makabiyahe ang mga kargamento mula Pier hanggang Gitnang Luzon at vice-versa kahit pa may umiiral na truck ban.

Ayon kay MNTC President Rodrigo Franco na hanggang sa may MacArthur Highway pa lamang ang nagagawa sa bahagi ng Bgy. Karuhatan sa lungsod ng Valenzuela habang kasalakuyan ang konstruksyon sa Skyway ng Link patungong C-3 sa lungsod ng Caloocan na mayroon ding rampang itatayo patungong bukana ng Port Area sa Maynila.

Dagdag pa ni Franco, na oras na makumpleto ang NLEX-North Harbor Link ay aarangkada naman ang konstruksyon ng Connector Road ng NLEX at SLEX.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list