Inatasan kamakalawa ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Rosalinda Baldoz ang Occupational Safety and Health Center (OSHC) na pagkalooban ng libreng pagsasanay sa occupational safety and health ang mga local building official at engineer.

“Isa sa mga mahalagang usapin na inihayag ng may 80 building official at engineer mula sa lokal na pamahalaan ng Region 3, 4-A at ng National Capital Region, sa ginanap na pagpupulong ng DoLE at ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng MOA-JAO on Construction Safety, ay ang kanilang kakulungan sa pagsasanay para sa ligtas at malusog na manggagawa sa konstruksiyon. Agad kayong magtakda ng ganitong pagsasanay,” ayon sa kautusan ni Baldoz kay OSHC Executive Director Ma. Teresa Cucueco. - Mina Navarro

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists