TARLAC CITY- Lantaran nang nagsasagawa ngayon ng illegal operation ang mga magnanakaw at biniktima nila ang dalawang behikulo na ipinarada sa tapat ng Tarlac Provincial Capitol, Barangay San Vicente, Tarlac City, kamakailan.

Sa ulat ni SPO1 Roberto Bautista, investigator-on-case, ang mga biktima sa naturang insidente ay sina Yet Len Labaro, 26, driver ng Honda City na may plate number AAM- 5077 ng KNL Diliman, Quezon City, at Toyota Vios na may plate number ZBB- 211 na minamaneho naman ni Kyle Dael, 28, ng BF Homes, Paranaque City.

Nakakulimbat ang mga kawatan ng itim na bag na naglalaman ng sapatos, driver’s license, ATM card, ibat’ ibang credit card, iPod shuffle, P20,000.00 cash, Acer Laptop, relo at iba pa.

Bago naganap ang insidente ay ipinarada ng mga biktima ang kanilang behikulo sa tapat ng Tarlac Provincial Capitol at nagtungo sila sa isang wedding ceremony sa Tarlac. Nang sila’y bumalik sa kanilang sasakyan ay doon natuklasan ang ginawang pagnanakaw ng mga kawatan na puwersahang winasak ang windshield ng dalawang nasabing behikulo. Ang nakawang ito ay sinisiyasat pa sa pulisya.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20