KC at Piolo

AYON sa taga-Star Magic na nakausap namin, mula nang magkabati at magkausap ang dating magkasintahang sina Piolo Pascual at KC Concepcion ay tambak ang natatanggap na tawag at mensahe ng ABS-CBN management mula sa mga tagahanga ng dalawa.

Nakiusap daw ang fans nina Papa P at KC na muling pagsamahin ang dalawa sa isang proyekto, pelikula man o teleserye.

Sey raw ng mga tagahanga, walang naman nang problema kina Piolo at KC. At tutal naman nagkaayos na, okey naman din sa dalawa na pagsamahin sila sa isang proyekto. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

To prove  na wala nang problemang namamagitan kina Piolo at KC, nagla-like na ang dalawa sa throwback pictures nila noong sweet moments nila together bilang magdyowa. 

Sa isang larawan ng dalawa ay may nakasulat pa nga raw na, “pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?”

Ang tanging wish daw ng fans nina Piolo at KC ay magkabalikan ang dating magkasintahan kahit man lamang sa screen.

Napag-alaman din namin mula sa kausap namin na mas marami pa rin ang mas boto kay Papa P for KC kaysa kay Paulo Avelino na sinasabing current boyfriend ngayon ng anak ng megastar na si Sharon Cuneta.