BUENOS AIRES, Argentina (AP) – Inaprubahan ng Kongreso ng Argentina ang pagtatayo ng Chinese satellite tracking station sa Patagonia region ng bansang South American.
Pumasa ang panukala sa mababang kapulungan nang makakuha ng 133 botong pabor at 107 naman ang tutol. Kinuwestiyon ng mga tutol ang tax exemption na maaaring pakinabangan ng istasyon sa loob ng 50 taon.