Hinamon ni four-division world champion Juan Manuel Marquez na kailangan ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao na patulugin si WBC at WBA 147 pounds titlist Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada para magwagi sa $200M megabout.
Dinominahan si Marquez ni Mayweather sa loob ng 12 rounds noong 2009 samantalang apat na beses niyang nilabanan si Pacquiao kung saan ay natalo siya ng Pilipino ng dalawang beses, may isa silang tabla at napatulog niya ito sa 6th round noong 2012.
Para kay Marquez, kailangang maging agresibo at ismarte si Pacquiao para mapatulog si Mayweather dahil malabong manalo sa puntos ang Pinoy boxer.
“For Pacquiao to win, he must knock him out, because the judges in Las Vegas are always in favor of Mayweather. Normally when Pacquiao is aggressive, he throws without [looking out for the counter], and in this respect he must change because Mayweather is a great counter-puncher and knows precisely what hurts Pacquiao,” sinabi ni Mayweather kay boxing correspondent Miguel Rivera ng BoxingScene.com.
“What hurts Pacquiao will be the counters and the defense of Mayweather, but he is dangerous for his speed and power,” dagdag ni Marquez na tumanggi nang labanan ang Pilipino sa ikalimang pagkakataon. “Mayweather has the style that hurts Pacquiao, and he should win by decision.”
Nangako naman si Pacquiao na magtatala ng panalo na kanyang iaalay sa sambayanang Pilipino.
“Alam na alam ko na ‘yung gagawin ko sa training para sa style niya,” pahayag ni Pacquiao sa Yahoo.Sports PH. “I think hindi ako mahihirapan especially ‘yung preparation ko noong last fight ay similar doon sa gagawin ko for this fight.”
“Ang mensahe ko po sa buong sambayanang Pilipino ay maraming maraming salamat sa ating mahal na Panginoon at isa tayo sa ginawa niyang instrumento na makilala ang Pilipinas at makilala tayong lahat na Pilipino at siyempre sa suporta rin ng mga kababayan natin, sa pagdarasal nila,” dagdag ni Pacquiao. “Itong laban na ito, ang title nito ay ‘di para sa akin kungdi dito sa Pilipinas, ‘Lalaban ako para sa Pilipino.”