Marian-Dingdong-El-Nido-2-copy

Dingdong, first time gaganap bilang pari

PAREHO nang busy ngayon ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera pagkatapos nilang mag-celebrate ng Valentine’s Day sa El Nido Resort in Palawan. 

Nagsimula nang mag-taping si Dingdong ng Pari ‘Koy, ang kanyang bagong inspirational drama series sa GMA-7. First time siyang gaganap bilang pari.  Enjoy siya sa taping dahil second time siyang ididirek ni Maryo J. delos Reyes, after ng Pahiram ng Sandali.  

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Makakasama niya sa Pari ‘Koy sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Luz Valdez, Chanda Romero, Raymond Bagatsing, JC Tiuseco, Raf Fernanadez, Jeric Gonzales, Hiro Peralta, Diego Castro, Dexter Doria at Jillian Ward at sa March 9 ang premiere telecast nila, bilang kapalit ng matatapos nang More Than Words.

Last Monday, nag-judge si Dingdong, as Commissioner of the National Youth Commission, with Sen. Bam Aquino ng Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) Year XII na ginanap sa Senado at Tuesday, ang awarding ng winners na ginanap sa Malacañang.

Sunud-sunod naman ang pictorial ni Marian sa mga bago niyang endorsements.  Sa Saturday, ilo-launch na siya ng Bench sa kanyang Inner Beauty Scent.  Sa March 3 naman ang launch niya as the cover of The New Hair Asia magazine ni Elvie Alvaran.  Natapos na rin niya ang pictorial ng isa pa niyang bagong endorsement na malapit na rin ang launch.  At basta may free time, sa halip na once a week lamang siya “Juan For All All For Juan” segment ng Eat Bulaga, sinosorpresa niya sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Ballesteros kung sa lugar na sinusugod ng mga ito. Nag-taping na rin si Marian ng isang episode para sa Holy Week presentation ng Eat Bulaga.

Pinaghahandaan na ring mabuti ni Marian ang bago niyang drama series na The Richman’s Daughter (tentative title) na ang story ay tungkol sa family traditions and values. Gaganap siya bilang si Jade, isang magandang babaeng mai-in love sa isa ring wonderful woman. Ayon sa head writer ng soap na si Suzette Doctolero, hindi ito tulad ng My Husband’s Lover na una niyang ginawa. Pero ididirek din ito ni Dominic Zapata at makakasama ni Marian sina Luis Alandy, Mike Tan, TJ Trinidad, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Glydel Mercado, Al Tantay at si Ms. Gloria Romero. Sa susunod na buwan na magsisimula ang taping nila nito at after Holy Week naman ang airing.

Samantala sina Marian at Dingdong ang first guests sa season six ng The Tim Yap Show at maraming kilig moments sa mag-asawa sa mga tanong ni Tim. After the wedding and honeymoon na ang questions like ano ang feeling ngayong mag-asawa na sila?

“Nagugulat pa ako kapag tinatawag akong Mrs. Dantes,” sagot ni Marian.  “At napapangiti ako sa realization na kasal na nga pala ako kay Dingdong.” 

“Napapatigil naman ako kapag nagpi-fill up ako ng document  na pagdating sa civil status, napapangiti ako dahil hindi na nga pala ako single,” natatawang sagot ni Dingdong.

Nakumusta ni Tim ang ama ni Marian na na-meet niya una sa wedding then sa Boracay. 

“Promise ni Papa, babalik siya muli sa Pilipinas kapag nalamang preggy na ako.  Kung sakali, sa akin unang magkakaapo sina Papa at Mama,” sabi ng Primetime Queen ng GMA-7.

May pangalan na ba silang nakahanda para sa magiging anak nila?

“Since Jose Sixto III ako, hindi pa namin alam kung magiging Jose Sixto IV if boy ang magiging anak namin pero kapag girl, laging magkakaroon iyon ng Maria.”

Simple lang ang wishes ng mag-asawa.  Si Dingdong, ayaw niyang mawawalan ng charge ang cellphone niya kaya lagi siyang may dalang powerbank para lagi niyang nakakausap ang esposa.  Gusto ni Marian na laging malinis ang kanilang room hanggang banyo kaya siya ang laging naglilinis nito.  Hindi siya nagbubukas ng ilaw habang natutulog pa si Dingdong.

Para sa isa’t isa, magkapareho ang wish nila: pareho silang maging malakas para sa pagtatrabaho nila at sa pagtulong sa kapwa para sa kani-kanilang advocacies.