MANAOAG, Pangasinan- Hinimok ni Gob. Amado Espino Jr. ang mga opisyal sa Pangasinan na planuhin ang pagpapagawa ng tatlo o apat pang sports center sa Region I.

Ito ang iminungkahi ni Gob. Espino sa ginanap na Region I Athletic Association (R1AA) Fellowship Night sa Manaoag Pilgrim Center kamakailan.

“Matagal ko nang sinasabi noon pa na mag-usap-usap kami ng mga gobernador na gumawa ng dalawa, tatlo o apat na training centers at isa na po iyong sa Pangasinan,” pahayag ni Espino.

Sinabi ni Espino na itoy upang mapalakas ang performance ng mga atleta na mula sa Region I para sa mga sasalihang national games.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Kasabay nito, pinayuhan din nito ang DepEd officials na pag-usapan nila  kung paano ang mas mahusay na pagsasanay ng mga atleta.