Susuporta ang higanteng korporasyon na Smart sa paglarga ng Smart-Prima Pasta Badminton Championship sa Pebrero 28 sa Power Smash sa Chino Roces Ave. sa Makati City.

Ito ang ikalawang sunod na taon na sinuportahan ng Smart ang kompetisyon sa paniniwalang makapagdudulot ito sa paghubog ng mga mahuhusay na badminton players.

“We are very proud once again, be a part of this tournament. Last year, we saw the best of the best badminton players competing and we expect a bigger and better competition with innovations made this year,” sabi ni Smart senior manager at sports marketing and special projects head Christopher Quimpo.

Inilunsad ang kompetisyon sa Melmac Center sa Quezon City.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Ang Smart ay pinangungunahan ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan na aktibong manlalaro ng sport. Dumalo rin ang pangulo ng Prima Pasta na si Alex Lim kung saan ay nakikita nito na kayang higitan ang 1,500 manlalaro na sumali noong 2014 dahil mag­kakaroon din sa unang pagkakataon ng labanan sa 11-and-under sa boys at girls.

Tampok sa tagisan ang Open kung saan ang lahat ng mga kasapi ng national pool ay maglalaro sa men’s at women’s singles, doubles at mixed doubles.

Magbabalik si Gelita Castillo para depensahan ang women’s title habang bagong kampeon ang makikita sa kalalakihan dahil ang 2014 champion na si Toby Gadi ay hindi sasali.