Isang arsobispong Pinoy ang itinalaga ni Pope Francis bilang bagong Papal Nuncio sa Australia.

Si Archbishop Adolfo Tito Yllana, 67, na naninilbihan bilang kinatawan ng Vatican o Apostolic Nuncio sa Democratic Republic ng Congo, ang papalit kay Archbishop Paul Gallagher na itinalaga naman sa Vatican Secretary for Relations with State.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Yllana ay tubong Naga City at inordinahan bilang pari sa Archdiocese ng Caceres noong Marso 1972.

Sa ngayon ay may apat na Pinoy na papal envoy sa iba’t ibang bansa, kabilang si Yllana, si Archbishop Bernardito Auza ng Bohol, na kinatawan ng Vatican’s permanent representative to the United Nations; ang Cebuanong si Archbishop Osvaldo Padilla, Apostolic Nuncio sa South Korea; at ang kapatid nitong si Archbishop Francisco Padilla, na Nuncio sa Tanzania.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente