Alin ang magpapatuloy at mapuputol? Ang winning streak ng Meralco o ang losing skid ng San Miguel Beer?

AZ-Reid-164x300Ang mga tanong na ito ang masasagot ngayong hapon sa pagtatagpo ng ulo at buntot, ang kasalukuyang lider at wala pang talong Bolts at nangangapa pa ring Beermen sa isa na namang road game ng 2015 PBA Commissioners Cup sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City ngayong ika 5 ng hapon.

Umaasang makakaahon mula sa kinasadlakang apat na sunod na kabiguan pagkaraang pagharian ang nakaraang Philippine Cup ang Beermen matapos magdesisyon na palaruin na ang dapat sana’y sa darating na Governor’s Cup pa nilang reinforcement na si Arizona Reid at palitan ang naunang import na si Ronald Roberts.

Ayon kay coach Leo Austria, inaasahan nilang makakatulong ng malaki si Reid sa kanilang decision making at maibibigay nito ang hinahanap na liderato sa loob ng court.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Tiyak namang ipantatapat sa kanila ng Meralco ang reliable import na si Josh Davis na isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit tinatamasa ngayon ng Bolts ang pinamaganda nilang panimula sa nakalipas na apat na taon.

Pinakamaliit sa hanay ngayon ng mga imports sa taas niyang 6- foot-4, nangako naman si Reid na sisikapin niyang maibigay ang tulong na hinihingi sa kanya ng Beermen.

“They want me to help, so I’ll come here and try to help,” pahayag ng two-time PBA Best Import at 27-anyos na si Reid.

Maliban naman kay Reid, magkukumahog namang makabawi at maibangon ang Beermen sina reigning MVP Junemar Fajardo at  Philippine Cup Finals MVP Arwind Santos.