Hinimok ni Senator Sonny Angara ang port authorities na pabilisin ang pagsasaayos ng mga pier na nakalaan naman sa mga cruise ship na malaking tulong sa pag-unlad ng industriya ng turismo sa bansa.

Ayon kay Angara, may posibilidad din kasi na maging pangunahing pasyalan ang bansa sa buong Asia kapag maayos ang mga daungan sa Pilipinas.

Una nang inihayag ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon sa pagdinig sa Senado na kulang ang mga port infrastracture kaya mabagal ang pag-unlad ng cruise tourism sa bansa.

“While we are all pushing for the development of our airports, let us not forget that a number of tourists also arrive by boat. Our archipelagic geography beams with immense opportunities for a cruise tourism industry to grow and flourish,” ayon kay Angara.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Sa ulat ng 2014 WEF Global Competitiveness Index, ika-101 ang Pilipinas mula sa 144 na bansa, sa may pinakamahihinang port facility.

Pinakakulelat din ang Pilipinas sa Southeast Asia sa usapin ng port facilities, na nanguna ang Singapore; Malaysia, ika-19; Thailand, ika-54; Indonesia, ika-17; at Vietnam, ika-88.

Aniya, nakakalungkot ding isipin lalo pa’t ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamahahabang coastal area sa buong mundo.

Ang Davao, Bohol, Boracay, Cebu, Metro Manila, Puerto Princesa, Subic at Zamboanga ang madalas na dalawin ng mga cruise ship.

“As some of the world’s leading cruise companies have already expressed interest to help develop the Philippines as a cruise ship destination, we must upgrade our ports, terminals and facilities to meet international cruise shipping standards,” ayon pa kay Angara.