Nakapasok ang 18-anyos na si Edward Macalalad ng Pilipinas bilang isa sa opisyal na miyembro ng Asian Triathlon Confederation (ASTC) team na nakatakdang sumabak sa 2015 Asian Championships at World Championships.

Makakasama ni Macalalad, ang nag-iisang Filipino triathlete, sa koponan sina Hshieh Wen Chuan at Chih Feng Lin ng Chinese Taipei at Malaysian na si Zakaria Muhammad Tareef Azfar.

Ang mga atleta ay sasailalim kay coach Luc Morin kung saan ay tatayong assistant coaches sina Ungu Mohd Maznan (Malaysia), Wei Chen Chan (Chinese Taipei) at Anthony Lozada (Philippines). 

Maliban sa paglahok sa Asian Championships at World Championships, naimbitahan din ang ASTC team sa iba’t ibang triathlon camps sa buong Asia at maging sa prestihiyosong ITU Triathlon Camp.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isang malaking sorpresa ang pagkakadagdag ni Macalalad sa koponan dahil sa sinasabing kahinaan niya sa swimming.

Subalit pinabulaan ito ni Macalalad, ang San Beda College business major at produkto ng SuperTriKids program, sa kanyang pagtitiyaga at matinding pagsasanay kung saan ay nagwagi siya sa Asian Beach Games at iba’t ibang Asian Cup tournament.

Samantala, bilang paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games (SEAG), kapwa nagtungo sina national triathletes Kim Mangrobang at Nikko Huelgas upang sumabak sa DESMOR High Performance Training Camp sa Portugal sa ilalim ni  coach Sergio Santos at sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC).  

Si Santos ay coach ng dating world No. 1 na si Vanessa Fernandez at tumulong sa PH Team noong 2014 upang itala ang pinakamagandang resulta at pagtatapos ng bansa sa Asian Games.  

Maliban sa pagsasanay ay masusubok din ang kakayahan nina Mangrobang at Huelgas kontra sa ilan sa mga pinakamagagaling sa Europa sa isasagawang European Cup Races sa Quarteria at Mellila. Agad din babalik sina Huelgas at Mangrobang sa bansa bago ang SEA Games sa Singapore sa Hunyo.