DINA-BONNEVIE-copy

GAGAMPANAN ng award-winning actress na si Dina Bonnevie ang karakter ng identical twins na sina Eunice at Febie sa family drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Pebrero 21).

Pagkaraang mamuhay sa Malaysia sa loob ng maraming taon, kinailangang bumalik sa Pilipinas ni Febie para sa pagpapagamot ng kanyang colon cancer at isakatuparan ang plano niyang muling makapiling ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang kakambal na si Eunice, isang balo, na pinakiusapan niyang bantayan ang kanyang pamilya kapag siya ay pumanaw na.

Sa pagpanaw ni Febie, sinikap ni Eunice na tuparin ang kanyang pangako sa kakambal, kabilang ang pagdamay sa asawa ng kapatid na dumanas ng labis na kalungkutan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ano ang gagawin ni Eunice sa sandaling mahulog ang loob niya sa asawa ng kanyang kakambal? Kakayanin ba niya ang panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa kanila?

Makakasama ni Dina sa upcoming MMK episode sina Tonton Gutierrez, Dante Ponce, Neri Naig, Michelle Vito, Jenny Miller, Rochelle Barrameda, Simon Ibarra, at Mccoy de Leon, mula sa panulat ni Rose Colindres at sa direksiyon ni Raz de la Torre.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 PM, pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.