DAGUPAN CITY - Simula sa Marso hanggang sa Mayo ng taong ito ay maglulunsad ang Provincial Veterinary Office (PVO) sa Pangasinan ng malawakang pagbabakuna sa mga aso upang tuluyang mapuksa ang rabies sa lalawigan.
Ayon kay Dr. Eric Jose Perez, officer-in-charge ng PVO sa Pangasinan, layunin nitong maiwasan ang mga nagiging biktima ng rabies dulot ng kagat ng aso alinsunod na rin sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month sa susunod na buwan.
Base sa datos ng PVO, mula Pebrero 2014 ay may 10 kaso ng pagkamatay sa lalawigan dahil sa rabies, at lima naman noong 2013.