Pinahintulutan na ng pamahalaang lungsod ng Makati ang konstruksiyon ng vehicle underpass sa Gil Puyat Avenue (dating Buendia) simula sa Abril kahit na magpapalala ito sa trapiko sa siksikan nang mga daan.

Sinabi ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay na komunsulta na sila sa stakeholders tungkol sa pagsisikip ng trapiko habang itinatayo ang underpass.

“But in the long term, we believe that it will solve at least a portion of our traffic problem,” ani Binay.

Sa ilalim ng proyekto, ang apat na linyang underpass para sa mga behikulo ay itatayo sa innermost lanes ng Sen. Gil Puyat Avenue at dadaan sa intersections ng Makati Avenue at Paseo de Roxas. Ito ay may habang 880 metro at may covered tunnel na 570 metro. Target itong matapos sa Enero 2017.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We’re getting ready for the traffic concerns. The good news is here, once it’s done, it will somehow ease traffic problems in the city,” ani Binay.

Ayon kay Binay, ipinupursige ngayon ng pamahalaang lungsod ang Bus Rapid Transit (BRT) System Project sa Makati, na 2011 pa nakabimbin.

“More than building more roads, if the government will not focus on mass transportation, we’re really not solving much of our traffic problems,” sabi ni Binay.

Ang panukalang BRT ay magdurugtong ng MRT 3 Ayala Station sa LRT Line 1 Buendia Station sa Taft Avenue. Makatutulong ito upang maibsan ang traffic congestion sa lungsod at magbibigay ng world-class mass transit facility sa mga residente at empleado na nagtatrabaho sa Makati CBD.

Ipinanukala ito ng Ayala Land Inc. (ALI) at ng Makati Commercial Estate Association (MACEA).

Sinabi ni Binay na inendorso niya ang proyekto sa Department of Transportation and Communications (DOTC) mahigit tatlong taon na ang nakalipas.