TOKYO (REUTERS) – Isang malakas na lindol na may preliminary magnitude na 5.7 ang yumanig sa hilagang Japan noong Martes, ilang oras matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol ang nagbunsod ng evacuation warning sa mga baybaying bayan.

Walang tsunami warning ang inilabas at walang kaagad na iniulat na seryosong pinsala o nasaktan. Ipinakita ng private broadcaster na NHK ang live footage ng mga niyayanig na gusali sa Aomori prefecture, may 7000 kilometro sa hilaga ng Tokyo.

Ang lindol ay may lalim na halos 50 km sa hilagang silangang baybayin. Iniulat ang maliliit na alon sa northern coast matapos ang naunang lindol na nagbunsod ng paglikas ng mga residente sa mga bayan na malapit sa epicenter.

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City