Tiyak nang kakampanya sa United States si WBF super featherweight champion Harmonito dela Torre matapos siyang sumanib sa pangangasiwa ni two-time world champion Zab Judah.

Ayon sa ulat ni Ryan Songalia ng RingTV.com, lumagda na ng kontrata si Dela Torre sa Super Management Group ni Judah.

Natamo ni Dela Torre ang bakanteng WBF super featherweight crown nang mapatigil sa 3rd round si dating world rated Gadwin Tubigon noong Mayo 3, 2014 sa Cebu City at unang naidepensa ang titulo laban kay ex-WBO super flyweight champion Isaac Junior ng Indonesia via 4th round knockout noong Setyembre 13, 2014 sa General Santos City.

May perpektong rekord na 14 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts, bibiyahe si Dela Torre sa United States kasama ang co-manager na si Jim Claude Mananquil upang makipag-usap kay Judah kaugnay sa karera ng kababayan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“We’re very happy to welcome Harmonito to the family. We’ve got big plans for him,” sabi ni Judah. “He’s a solid young kid. From the time I’ve seen him. I was like, ‘This kid is dope.’ The last four fights were all knockouts. You can’t front on that.”

Pumasok sa professional boxing si Dela Torre noong 2012 at unang nakilala noong Nobyembre 24, 2013 nang maging undercard sa laban ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios sa Macau, China kung saan pinatulog niya sa 3rd round si dating Indonesia super bantamweight at featherweight champion Jason Butar Butar.

“Zab’s influence is big as we all know. He has big connections as an elite fighter and he is really interested with Harmonito,” pahayag ni Manangquil na promoter din ni Interim WBA junior flyweight champion Randy Petalcorin.

“I’ll just be guiding him with the experiences that I’ve been through,” dagdag ni Judah. “I’ve been in numerous championship fights, different promoters. I’ve probably worked with every top boxing promotion there is. I want to help these guys go through shortcuts so they don’t have to go through so many problems.”