Umapela ang Department of Health (DoH) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East na magsisiuwi sa Pilipinas na maging tapat sa pag-fill out sa Health Declaration Checklist pagdating nila sa mga paliparan sa bansa.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon na isang Pinay nurse, na dumating sa bansa mula sa Saudi Arabia, ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV).

Ayon kay acting Health Secretary Janette Garin, malaki ang maitutulong nito sa gobyerno para maiwasang madagdagan ang kaso ng MERS-CoV sa bansa mula sa nagsisiuwiang OFW.

“Nananawagan po ulit kami sa lahat ng pasahero na galing sa ibang bansa na please fill up honestly and properly the Health Declaration Checklist, ‘yung yellow na form, para hindi po tayo mahirapan at tayo ay magkatulungan,” panawagan ni Garin.
Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!