Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang pinaghihinalaang drug den sa Mati City, Davao Oriental na apat na katao ang naaresto.

Sinabi ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr. na ang ilegal na pasilidad sa Purok Liberty, Barangay Central, Mati City ay sinalakay ng awtoridad base sa apat na search warrant na inilabas ni Judge Niño Batingaga, ng Mati City Regional Trial Court (RTC) Branch 11.

Kabilang sa mga naaresto sina Lourdes Encabo, 43, umano’y may-ari ng drug den; at mga bisita nitong sina Ali Magtacpao, 22; Jamaly Medsi, 28; at Ronaldo Macatabog, 36.

Sinabi ni Cacdac na apat na hinihinalang tulak ng shabu ang nakatakas sa insidente. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Al Jabar Masali, alyas “Jobar,” 20; Aljid Palma, 38; Tibo Encabo, 50; at Brian Landong, 21.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nakumpiska ng PDEA mula sa apat na naaresto ang 12.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P112,500 at iba’t ibang drug paraphernalia.