GROSSETO, Italy (Reuters)— Hinatulan ang dating kapitan ng Costa Concordia cruise liner ng hanggang 16 taon sa kulungan noong Miyerkules sa kanyang papel sa paglubog ng barko noong 2012, na ikinamatay ng 32 katao sa dagat ng Tuscan holiday island ng Giglio.

Si Francesco Schettino ang nagmamando sa barko, isang floating hotel na kasinghaba ng tatlong football pitches, nang bumangga ito sa isang bato sa isla, at bumutas sa isang bahagi ng barko.

Napatunayan ng korte sa bayan ng Grosseto na nagkasala siya ng multiple manslaughter, causing a shipwreck and abandoning his passengers sa isa sa pinakabantog na trahedya sa pagbabarko sa modernong kasaysayan.

Gayunman, tinanggihan ng hukom na agad simulan ni Schettino ang kanyang sentensiya at nagpasyang hindi siya papasok sa kulungan hangga’t hindi natatapos ang mga apela, na maaaring aabutin ng ilang taon.

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls

Umiyak ang kapitan sa kanyang huling pagbibigay ng testimonya noong Miyerkules ngunit hindi na bumalik sa korte para marinig ang desisyon.