Isang eksena sa ospital: Nagsitayo ang mga miyembro ng pamilya mula sa waiting area nang makita nilang lumabas si Culasa mula sa Intensive Care Unit. Sinabi ni Culasa, “Mayroon akong magandang balita at masamang balita; ano ang gusto ninyong unahin ko?”

“Ang mabuting balita,” ani Culas, kapatid ng naaksidente.

“Ligtas na siya,” ani Culasa.

“Eh ano ang masamang balita?” tanong ni Culas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Malaki ang babayaran natin.” At si Culas naman ang na-intensive care.

Gayong ang Mabuting Aklat ay puno ng mabuting balita (ang salitang “gospel” ay nangangahulugan ng “mabuting balita”), hitik din ito ng masamang balita at maaaring mas malala pa.

Marami sa atin ang nag-iisip na naghihingalo ang kanilang espirituwal na buhay at nangangailangan ng tulong. Alam nila na hindi sila ang kailangan nilang maging o nais maging; at inaamin nila na matutulungan sila ni Jesus na maging mas mabuting indibiduwal upang maiwasan ang impiyerno. Ngunit ayon sa pagsusuri ng doktor sa ating lahat, mas matindi pa ang ating kondisyon kaysa talagang may sakit. Patay na tayo. Kailangan natin ang higit pa kaysa isang proyekto sa pagpapahusay ng sarili o ineksiyunan ng kabutihan. Himala ang kailangan natin – ang himala ng isang patay na muling nabuhay.

Ngunit paano ba muling mabuhay ang isang patay? Diyos lamang ang nakagagawa niyon. Tulad ng paghinga ng buhay ng Diyos kay Adan at ang pagbuo ng mundo mula sa kawalan, kayang buhayin ng Diyos ang isang patay.

Kung ikaw ay isang mananampalataya, ang katotohanan sa iyong nakaraan ay patay ka na at wala nang pag-asa. Wala kang espirituwal na pulso, at walang senyales ng anumang buhay. Ngunit hiningahan ka ng Diyos! At ngayon buhay ka na sa Diyos – sa pag-iisip mo tungkol sa Kanya, sa pagnanais mo sa Kanya, sa pakikinig mo sa Kanya sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, at sa pagpapaubaya mo sa Kanya na baguhin at hubugin ka. At ang katotohanan sa hinaharap ay hindi na kamatayan; ito ay buhay… na walang hanggan.