Manolo Pedrosa

IILAN lamang sa mapapalad na baguhang naka-penetrate sa showbiz industry ang nabibigyan ng break at isa na rito ang dating PBB All-In housemate na si Manolo Pedrosa.

Paglabas ng 17 year-old newcomer sa Bahay ni Kuya, agad siyang nai-feature sa Luv U hanggang sa bigyang-pansin din sa Maalaala Mo Kaya with Janella Salvador.

Ngayon ay kasama ang bagets star sa Oh, My G! and soon ay magkakapelikula na rin with Maris Racal, ang kanyang co-PBB housemate.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kinuha rin siyang endorser ng BNY apparel, kaya’t unti-unti nang nararamdaman ng dating La Salle-Greenhills student ang showbiz life.

“Suwerte lang po talaga. I feel so blessed na aside from the opportunity to work with Janella and Maris, I can’t ask for more, I just go with the flow po,” sabi ni Manolo.

Dalawa ang imina-match sa kanya, either si Janella o si Maris. Pero, kanino ba siya mas malapit?

“Kay Maris po, kasi kasama ko na siya dati pa sa PBB. Kumbaga po mas kilala ko na siya, mas more time kaming nag-bonding ni Maris. Si Janella po kasi, since kakakilala din lang namin no’ng nag-MMK at kaka-start din lang namin sa Oh My G! so medyo hindi pa ganu’n ‘yung bonding.

Kaya pala si Maris ang ipinareha sa kanya sa kanilang first movie, ang Star Versus Me.

“Kay Maris po, sobrang comfortable po kami with each other ‘pag nagsu-shoot po. Sobrang... parang walang masyadong effort ‘pag kaming dalawa po,” pahayag ng binatilyo.

Hindi pa rin nagbabago ang ‘status’ niya, ganoon pa rin, No Girlfriend Since Birth (NGSB).

So, kailan siya makikipagrelasyon?

“For me po, walang deadline, walang schedule ‘yung love. Dumadating lang siya, ha-ha-ha!” naniningkit ang mga matang tawa ni Manolo.

“Saka, sabi ko nga po, hindi ko muna iniisip ‘yang mga love-love na ‘yan. Happy naman po ako kahit single ako... saka nandiyan naman si Maris, masaya naman po kami sa friendship namin.”

Being loveless, wala siyang inaalala sa darating na Valentine’s Day, kung paano niya ito isiselebreyt.

“I can’t celebrate po kasi may out of town show po ako sa Abra. May trabaho po ako, eh. Pero kung wala po akong trabaho, I will celebrate it with my special someone... ‘yung mommy ko po, ha-ha-ha!” pagtatapos ng bagets.