Patay ang isang umano’y drug pusher nang pagbabarilin ng kanyang kaaway at makalipas ang ilang sandali ang suspek naman ang namatay nang barilin din ito ng kaibigan ng biktima sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Jimmy Bermudez, 23, residente ng Block 15, Riverside Pama Sawata Street, Barangay 28 ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng cal. 45 sa katawan.

Si Donato Dizon, 43, obrero ang sinasabing bumaril kay Bermudez dahil matagal na silang magkagalit.

Ayon sa report PO3 Rommel Bautista ng Station Investigation Division (SID) bandang 6:30 ng gabi, tinambangan at pinagbabaril ni Dizon si Bermudez sa ilalim ng tulay sa C-3 Road, Caloocan City.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Ilang sandali makalipas ang insidente nalaman ni alyas Rala, kaibigan ng biktima, ang nangyari kay Bermudez at sumugod sa lugar ni Dizon at binaril ang suspek.

Tumakas si Rala matapos ang insidente.