Hiniling ang suspensiyon o pansamantalang pagbibitiw sa tungkulin ni Antipolo City Vice Mayor Ronaldo “Puto” Leyva para hindi nito maimpluwensiyahan ang imbestigasyon sa maanomalyang transaksiyon na pinasok ng opisyal noong chairman pa ito ng Barangay San Jose sa lungsod.

Ito ay matapos na magreklamo sa Office of the Ombudsman si Felicito Garcia, iginiit na kuwestiyonable ang pagbili ng gamit at pagpapaayos sa barangay hall noong nakaupo pa si Leyva dahil hindi ito pinayagan ng Commission on Audit (COA) sa pagpapalabas ng Notice of Disallowance.

“Respondent acted with manifest partiality, evident bad faith and gross inexcusable negligence when he approved the said payment when he was still barangay chairman, despite the glaring irregularities involved,” saad sa 13-pahinang reklamo ni Garcia.

Magsusumite ng kanyang pahayag si Leyva.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists