Pebrero 8, 1904 nang simulang atakehin ng Japanese naval forces ang Russian naval base na Port Arthur, na matatagpuan sa China, binuwag ang Russian fleet at nagsimula ang Russo-Japanese War.

Kasunod ito ng pagkontra ng mga Russian sa panukala ng Japan na hatiin ang Manchuria at Korea base sa lugar ng nasasakop.

Enero 1905 nang magtagumpay ang Japanese naval forces, sa pamamahala ni Admiral Heihachiro Togo, na mapasakamay ang Port Arthur. Makalipas ang dalawang buwan, tinalo ng tropang Japanese, sa pangunguna ni Field Marshal Iwao Oyama, ang kanilang mga kalaban sa Shenyang sa China.

Setyembre 5, 1905 nang lagdaan ng mga kinatawan ng Russia at Japan ang Treaty of Portsmouth sa New Hampshire, na nagsilbing hudyat ng pagtatapos ng digmaan. Isinuko ng Russia sa Japan ang isla ng Sakhalin at isang daungan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, dahil sa kaguluhan ay sumiklab ang Russian Revolution na nagwakas sa imperial rule sa Russia.